Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Leadership Lecture Series ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na bahagi ng kanilang hospital-wide strategic planning para sa taong 2026 hanggang 2030.

Ang lecture series na idinaos sa Quezon City Hall ay naglalayong mapalinang ang kaalaman ng kanilang hospital leadership team at mga staff patungkol sa direksyon at pag-unlad ng healthcare services ng PCMC.

Binigyang-diin din ni Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon na katuwang ng PCMC ang lokal na pamahalaan sa layunin na matiyak ang maayos na kalusugan ng bawat kabataang QCitizens.

Present din sa programa sina PCMC Executive Director Dr. Sonia B. Gonzales, PCMC Corporate Planning Division Chief Dr. Anthony Garcia, at mga PCMC Key officials.