Dumalo bilang keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa kauna-unahang Leadership Summit 2025 na pinangasiwaan ng Student Council ng Philippine Science High School sa Lungsod Quezon.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng Alkalde sa mga iskolar ang kanyang buhay at karanasan mula sa pagiging lider-estudyante, guro, archeologist, at hanggang sa kasalukuyan bilang punong-lungsod ng lokal na pamahaalan.
Para kay Mayor Joy, importante sa isang lider ang pagiging progresibo at inklusibo, dahil ito ang susi sa kaunlaran ng bayan at ng mamamayan.
Binigyang-diin din niya na mandato ng bawat lider ang pagiging tapat, may pananagutan, at buong puso ang pagseserbisyo sa taumbayan.
Kasama ng alkalde sa programa sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Adviser of Student Council Diana Sarenas, at mga miyembro ng PSHS Main Campus Student Council.




