Nakipagpulong ang mga miyembro ng League of Cities of the Philippines, sa pangunguna ni LCP Acting President Mayor Joy Belmonte, kay Department of Finance Secretary Ralph Recto.

Ito ay upang pag-usapan ang computation ng National Tax Allotment (NTA) shares ng mga Local Government Unit (LGUs).

Sa pulong, ikinumpara ang computation sa pagitan ng LGU at DOF at natuklasan na halos magkatugma ang mga calculation at deduction batay sa iba-ibang batas.

Para sa mga lungsod at iba pang LGU, inaasahang tataas ang bahagi ng NTA mula 32% hanggang 35% sa taong 2026 kasabay ng expiration ng TRAIN Law at Sin Taxes sa ilalim ng Universal Health Care Law.

Pinasalamatan ni Mayor Belmonte ang DOF sa pagbibigay ng oras para ipaliwanag ang detalyadong pagkukuwenta ng NTA at posibleng pagtaas ng share ng LGU sa 2026.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina LCP Secretary-General at Baguio City Mayor Benjie Magalong, LCP Vice President for Visayas at Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo, LCP Executive Director Veronica Hitosis, at mga opisyal ng DOF.

+6