Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, bilang Acting National President, ang Special General Assembly ng League of Cities of the Philippines (LCP) sa Pasay City.
Kabilang sa tinalakay sa pulong ang ilang isinusulong na resolusyon ng National Executive Board tungkol sa iba-ibang usaping makakaapekto sa mga lungsod sa bansa.
Binigyan din ng pagkilala ang mga outgoing city mayors ng LCP.




