Nagtipon-tipon ang mga alkalde na bahagi ng National Executive Board ng League of Cities of the Philippines ngayong umaga.
Dumalo sa pulong si Mayor Joy Belmonte bilang Executive Vice President ng LCP, kasama si LCP President Cebu City Mayor Mike Rama. Nagsilbi namang presiding officer sa meeting si LCP National Chairman Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Kabilang sa tinalakay nila sa pulong ay kung paano papaigtingin pa ng LCP ang mga programa at tulong nito para sa mga lungsod na maaapektuhan ng kalamidad.