Bumisita sa Emergency Operations Center (EOC) ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) sa Clark, Pampanga ang ilang kinatawan ng League of Cities of the Philippines kasama si PDRF Chief Resilience Officer and Advisor Mr. Bill Luz ngayong araw.
Ang Philippine Disaster Resilience Foundation ay namamahala sa isa sa mga pangunahing disaster risk reduction and management facility sa bansa na nakatuon sa paghahanda ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad o anumang panganib. Naitayo ito sa pangunguna ng pribadong sector.
Itinatag ang PDRF pagkatapos ng pananalasa ng mga kalamidad tulad ng Bagyong Yolanda upang muling paigtingin ang paghahanda, pagtulong, at pagbangon sa sakuna na naranasan noong panahong iyon.
Ang PDRF ay nakikipagtulungan sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa paggawa ng mga instructional manuals at mga mapa upang mabilis matugunan ang anumang uri ng sakuna.
Kabilang sa mga dumalong alkalde sina Mayor Joy Belmonte sina LCP National Chairman at Bacolod City Mayor Albee Benitez, Pagadian City Mayor Sammy Co, Pasay City Mayor Emi Calixto, at Victorias City Mayor Javi Benitez.




