Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naisaayos na ng Quezon City Government ang nakatagilid na poste ng kuryente sa Kalinisan Street, Barangay Batasan Hills.
Pinangunahan ng Task Force on Anti-Dangling Wires ang isinagawang pagsasaayos, katuwang ang Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pakikipagtulungan sa mga telecommunication companies upang matiyak ang ligtas at maayos na pag-aayos ng mga nakakabit na linya.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Quezon City Government sa mga kaukulang ahensya at telecommunication companies upang maisagawa ang mga kahalintulad na aktibidad sa iba pang bahagi ng lungsod. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at matiyak ang maayos at ligtas na imprastraktura para sa lahat ng QCitizens.










