Bumisita ang mga miyembro ng Quezon City Council, sa pangunguna ni Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, sa Quezon City Jail Male Dormitory ng Bureau of Jail Management and Penology sa Payatas bilang bahagi 2024 Legislation Week Celebration.
Nagpaabot ang konseho ng donasyong 30 sako ng 25kg na bigas para sa mga persons deprived of liberty (PDLs).
Kinumusta rin ng mga konsehal ang kalagayan ng mga PDL at ng pasilidad. Tinatayang higit sa 4,200 ang nakapiit sa bagong kulungan.
Samantala, nagbigay ng cash donation ang City Council at namahagi ng pagkain sa mga kabataan at kanilang magulang sa QC Kabahagi Center for Children with Disabilities.
Suportado ng konseho ang planong pagpapatayo ng mga Kabahagi centers sa bawat distrito sa Lungsod Quezon, upang mas mailapit ang kalinga ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang nangangailangan.
Kasama ni Coun. Delarmente sina Coun. Anton Reyes, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Irene Belmonte, Coun. Charm Ferrer, Coun. Aly Medalla, Coun. Dave Valmocina, at QC SK Federation President Coun. Sami Neri.