Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang exhibit na ‘Letizia: A Life in Letters’ na naglalaman ng mga personal na liham, larawan, at memorabilia ng writer at historian na si Letizia Roxas-Constantino sa Panay Avenue.
Nakibahagi sa tour ng Linangan Gallery ang mga apo nito na sina Broadcast Journalist Karmina Constantino at Constantino Foundation managing director Red Constantino upang ipaliwanag ang exhibit.
Planong maging bahagi ang exhibit ng Tandang Sora Women’s Museum sa darating na Oktubre.
Dumalo kasama ni Mayor Joy ang mga konsehal na sina Doray Delarmente, Wency Lagumbay, Atty. Tope Liquigan, at Quezon City Acting Chief Tourism Operations Officer Giana Barata.




