Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isang makabuluhang pagtitipon ng mga personalidad sa sining, kultura, at pamamahayag ang naging tampok sa matagumpay na “Level Up” Book Launch ni Noel Ferrer sa Manila International Book Fair 2026.
Nakibahagi sa okasyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga National Artists na sina Ricky Lee, Virgilio Almario, at Nicanor Tiongson, at iba pang kilalang personalidad sa industriya. Nagsilbing hosts sina Atom Araullo, Karmina Constantino, at Kuya Kim Atienza.
Tampok din ang mga pagtatanghal nina Gary Granada, Dulce at Ebe Dancel.
Kasabay ng paglulunsad ng aklat ang induction ng inaugural officers ng Philippine Entertainment Journalists Guild, na pinangunahan nina Mayor Joy at FAP Director General Paolo Villaluna.










