Kinilala si Mayor Joy Belmonte ng LGBT Psychology Special Interest Group ng Psychological Association of the Philippines dahil sa kanyang mga adbokasiya para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa letter of appreciation na ibinahagi ng organisasyon, inilahad nila kung paano napabuti ng mga inklusibong programa ng lungsod ang buhay at mental well-being ng mga miyembro ng komunidad.

Kabilang sa mga programang ito ang Right to Care card na nagbibigay ng healthcare at medical decision-making rights sa LGBTQIA+ couples; at pagtataguyod at pagsuporta sa iba-ibang pagdiriwang ng komunidad.

Binigyan din ang alkalde ng rainbow sash na simbolo ng pasasalamat ng grupo sa kanyang patuloy na pagsulong ng mga adbokasiya para sa tunay na inklusibong komunidad para sa lahat.