Pormal nang inilunsad ang kauna-unahang LGBTIQ+ Business Summit sa Quezon City!
Layon ng summit na tipunin at bigyang suporta ang mga queer-owned businesses at queer entrepreneurs sa lungsod.
Tampok din sa summit ang mga kwento ng inspirasyon mula sa LGBTIQ+ business owners at mga talakayan tungkol sa mga programa ng lokal na pamahalaan para itaguyod ang inclusivity.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na patuloy na susuportahan ng QC ang rainbow community, lalo na sa aspeto ng pangkabuhayan at economic development.
Kaisa ng QC ang Philippine LGBT Chamber of Commerce, Mindanao Pride, Intersex Philippines, at SPARK Philippines sa programa.
Suportado rin ang summit ng Wellspring Philanthropic Fund at ‘Free to Be Me Program’ ng Humanis Foundation.




