Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations to our Mayor Joy! ![]()
![]()
Hinirang si Mayor Joy Belmonte bilang LGBTQIA+ Icon of the Year 2026 ng The Red Whistle at O Bar.
Kinilala ang alkalde sa kaniyang walang patid na pagsuporta sa human rights at gender equality, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang kumikilala sa karapatan ng bawat isa.
Ilan sa mga tinukoy na inisyatiba ang Gender-Fair Ordinance, Gender-Inclusive Healthcare Ordinance, Right to Care Card, at ang pinakamalaking pride celebration sa bansa, ang taunang LoveLaban Pride Festival.
Patuloy na nakikiisa ang lokal na pamahalaan sa paglaban sa diskriminasyon at pagsusulong ng pagkapantay-pantay para sa mas inklusibo at progresibong lungsod.
Dahil dito sa Quezon City, kasama ang lahat sa pag-unlad.






