MAYOR JOY, ICON OF THE YEAR! ![]()
![]()
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilalang LGBTQIA+ Icon of the Year 2026 mula sa The Red Whistle at O Bar ngayong Linggo.
Iginawad sa alkalde ng queer community ang award dahil sa kanyang pagsusulong sa gender equality, patuloy pagsuporta sa human rights at paghubog ng QC bilang inklusibo at progresibong lungsod.
Kasama sa mga binanggit sa pagpili kay Mayor Joy bilang awardee ay ang mga progresibong programang ipinatutupad sa siyudad tulad ng gender-fair ordinance, right to care card, at ang pinakamalaking Pride Month Celebration sa bansa.
Dumalo sa awards ceremony sina Gender and Development Council Office head Janete Oviedo, O Bar COO Ramon Papa, The Red Whistle President Karlo Santos, founder Nicolo Cosme, at Baus Rufo.










