Inilunsad ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School ang LibreEU Exhibit at DokEU Festival tampok ang mga storybook at documentary films ng Grade 11 at 12 students ng ELJCMASHS.

Ang programa ngayong taon ay may temang “Narratives Unveiled; a Tapestry of Student Stories,” ito rin ang unang pagkakataon na ma-exhibit ang mga storybook at maipalabas ang mga dokumentaryo sa labas ng paaralan.

Nakiisa sa ribbon cutting ceremony ng exhibit si QC Education Affairs Unit OIC Ms. Maricris Veloso na ginanap sa QCX.

Sa QC, suportado ng pamahalaang lungsod ang mga mag-aaral sa paghubog at pagbabahagi ng kanilang pagkamalikhain at angking talento.

+6