Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Libreng sakay!🚌
Maagang umalalay ang ating mga Q City Bus para sa mga pasaherong apektado ng transport strike ng grupong PISTON ngayong Huwebes.
Nakahanda rin ang e-trikes, QC-owned vehicles, at barangay vehicles ng lungsod para alalayan ang mga commuter.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng QC Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang gabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.
Para sa kumpleto at updated na listahan ng bawat ruta at schedule ng ating Q City Bus, tingnan ang post na ito:
https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid0294cCqHG4JNj5hoV2UHDxpY638DzzdJpWtcavrHrvDXUYzGTzsTUz77SV8sLaH8oJl








