Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
LIBRENG SAKAY NG QCPD!
Naghatid ng libreng sakay ang Quezon City Police District (QCPD) ngayong araw para tulungan ang mga commuter na apektado ng tigil pasada.
Ruta ng QCPD libreng Sakay:
• EDSA – East Avenue hanggang Litex sa Commonwealth (vice versa)
• EDSA – QC City Hall hanggang Commonwealth-Litex (vice versa)
Patuloy ang pag-agapay ng iba-ibang ahensya ng gobyerno sa mga pasahero ngayong may transport strike.
Nananatili namang naka-monitor ang mga tauhan ng QC Traffic and Transport Management Department, QCPD, at MMDA upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero.








