Bukas na ang Fairview Branch ng Lido Cocina Tsina!
Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga panauhin sa pagbubukas ng ikaanim na branch ng Lido Cocina Tsina sa QC.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng alkalde ang Lido Cocina Tsina, sa pangunguna ng owner nito na si Ms Annie Wong, dahil sa patuloy nitong pagtitiwala sa Quezon City bilang isa sa mga tahanan ng kanilang negosyo.
Bukas din ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa mga negosyante sa pagsasagawa ng kanilang outreach programs sa lungsod.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa grand opening ng Lido sina District 5 Action Officer William Bawag at Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia.
Matatagpuan ang Lido Cocina Tsina – Fairview branch sa 125 Quirino Highway, Barangay Greater Lagro, Quezon City.








