Sumailalim sa pagsasanay ang mga Barangay Kagawad mula Districts 2, 4, 5, at 6 para mas mapalawig pa ang kanilang kaalaman sa good governance.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng mga training para sa barangay officials para masiguro na ang kanilang kaalaman at kasanayan ay napapanahon at naaayon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Hinikayat niya rin ang mga kagawad na makiisa sa hangarin ng lokal na pamahalaan na itaas pa ang antas ng pamamahala sa lungsod, para maging ehemplo sa mga opisyal sa ibang siyudad at probinsya sa bansa.

Ang “New Regulations and Challenges in Sustainability and Reportorial Requirements, Barangay Sustainability Through Environmental, Social, and Governance (ESG) Strategies” seminar ay inorganisa ng Liga ng mga Barangay Kagawad ng QC.

Nakiisa rin sa kanilang pagsasanay sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz.

+14