Luntian at makakalikasang Quezon City!
Inilawan ng kulay berde ang Pylon sa Quezon Memorial Circle at ang QC Hall highrise building bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Day.
Ang Quezon City, nag-iisang miyembro ng C40 Cities sa Pilipinas, ay patuloy na nangunguna sa pagpapatupad ng mga sustainable at environment-friendly programs—mula sa circular economy, urban farming at biodiversity restoration, hanggang sa green transport at renewable energy transition.
Tinitiyak din ng lungsod na inklusibo ang mga proyekto sa pamamagitan ng pagbababa ng mga ito sa komunidad at paaralan, at pagsasagawa ng iba-ibang information, education, and communication activities.




