Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang bahagi ng kampanya tungo sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagsagawa ng “Ligtas Christmas, Iwas Paputok” forum ang Quezon City Health Department (QCHD).
Tinalakay sa forum kung bakit kailangan iwasan ang pagpapaputok, partikular sa mga komunidad at residential area.
Payo ng QCHD, humanap na lang ng alternatibong gamit pampaingay para hindi malagay sa alanganin dahil sa panganib dulot ng mga paputok.
Kabilang sa mga dumalo sa forum ngayong araw ang mga purok leader, BHERTS, at mga kinatawan ng homeowners association representatives.
Patuloy na nag-iikot ang QCHD sa mga barangay para matiyak ang ligtas at malusog na pagsalubong sa 2026.










