Ayon sa datos ng iRISE-UP, maaaring umabot sa 40°C ang HEAT INDEX sa susunod na 24 oras, na may babalang EXTREME CAUTION.
Inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang Alternative Delivery Mode at limited face-to-face classes bukas, March 28, 2025, sa mga pampublikong paaralan kabilang na ang mga:
• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System
Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init. Gayunpaman, hinihikayat silang sumunod sa mga pambansa at lokal na abiso upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.
Para sa anumang emergency at agarang aksyon, tumawag sa HELPLINE 122.
