Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pagpupugay sa mga natatanging lingkod bayan ng Quezon City!
Kinilala sa Lingkod Bayan Awards ng Gawad Pilipino ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan.
Ginawaran bilang Natatanging Alkalde na Naglilingkod sa Tao at sa Bayan si Mayor Joy Belmonte, habang Natatanging Konsehal na Naglilingkod sa Tao at Sa Bayan sina Minority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Geleen Lumbad, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Candy Medina, Coun. Tope Liquigan, Coun. Migs Suntay, Coun. TJ Calalay, at Coun. Cocoy Medina.
Pinarangalan naman sina Coun. Don De Leon, at Coun. Delarmente sa Dangal ng Bayan Awards bilang Natatanging Konsehal na Naglilingkod sa Tao at Sa Bayan.










