Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Lingkod Bayani Run 2026 ngayong Linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Kasama ang libo-libong runners mula sa iba-ibang panig ng bansa, sama-samang tumakbo ang mga lingkod bayan bilang pagpapakita ng pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon sa serbisyo publiko. Higit sa animnapu ang sumali mula sa Procurement Department at Quezon City University.
Sa temang “Stride as One, Serve the Nation,” itinataguyod ng fun run ang kalusugan, wellness, at diwa ng paglilingkod sa bayan. Bahagi rin ng nalikom ang susuporta sa Pamanang Lingkod Bayani Program para sa mga pamilyang naiwan ng mga kawani ng gobyernong nasawi sa tungkulin.










