Pagsasaayos ng Litex Commonwealth sinimulan na!
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang mas pinatibay na rehabilitasyon sa kahabaan ng Litex Commonwealth upang solusyunan ang problema sa trapiko sa lugar.
Kasabay nito, naglagay ng concrete barriers sa gitna ng Commonwealth Avenue, Payatas Road, at IBP Road.
Nagkabit din ng railings sa mga bangketa at nagdagdag ng pedestrian crossing sa lugar.
Layunin ng proyekto na gawing mas maayos at organisado ang daloy ng trapiko, at magkaroon ng ligtas na tawiran para sa QCitizens.
Pinangunahan ito ng Office of the City Mayor, sa pamamagitan ng District 2 Action Office, katuwang ang City Engineering Department (CED), Market Development And Administration Department (MDAD), Task Force Disiplina, Traffic and Transport Management Department (TTMD) at mga opisyal ng Barangay Commonwealth.




