Maagang nagsimula ang clearing operations ng Pamahalaang Lungsod Quezon upang isaayos ang mga apektadong daanan sa Litex Market sa Commonwealth ngayong Miyerkules.
Layon nitong malinis at maalis ang mga nakaharang sa sidewalks upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumadaan sa Commonwealth.
Nakibahagi sa operasyon sina District 6 Action Officer and City Market Administrator Atty. Mark Aldave, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.








