Nag-inspeksyon si Mayor Joy Belmonte sa Litex Market sa Commonwealth upang personal na makita ang ipinapatupad na bagong traffic plan sa lugar.
Sinuri rin ng alkalde ang mga inilagay na railings para matiyak ang kaligtasan ng publiko at maisaayos ang mga sidewalk vendors.
Muling kinumusta ni Mayor Joy ang mga nagtitinda sa lugar para patuloy na alamin ang kanilang mga hinaing at suhestyon.
Kabilang din sa pinuntahan ni Mayor Joy ang mga lugar na posibleng gawing talipapa o palengke na paglilipatan ng mga nagtitinda.
Kasama niya sa pag-iikot sina Chief of Staff Weng Macatao, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Col. Alex Alberto ng Market Development and Administration Department (MDAD), at Dexter Cardenas ng Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Patuloy ang pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga solusyon na makatutulong sa kapwa vendor at mamimili.




