Nagsagawa ng masusing inspeksyon ang pamahalaang lungsod sa kahabaan ng Litex Market sa Commonwealth upang matugunan ang isyu ng mabigat na trapiko sa lugar.
Pinangunahan nina Col. Alex Alberto, hepe ng Market Development and Administration Department (MDAD), katuwang si Dexter Cardenas, hepe ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) ang inspeksyon at traffic monitoring.
Kasama rin sa isinagawang inspeksyon ang mga kinatawan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang pamunuan ng Barangay Commonwealth.
Layunin ng inspeksyon na matukoy ang mga kinakailangang hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng lahat, kabilang ang mga nagtitindang sidewalk vendors.
Isinusulong ng lungsod ang pagtatakda ng isang maayos at ligtas na lugar kung saan maaaring magtinda ang mga vendors.




