Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang inisyatibo ng lokal na pamahalaan para maisulong ang paggamit ng renewable energy sa lungsod, sa ginanap na 2026 ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ฏ.
Binigyang-diin ng alkalde na sa QC, naka-angkla ang pagbawas ng greenhouse gas emissions at transition sa mas malinis at renewable na enerhiya sa tatlong pangunahing programa: solarization, green building standards, at energy efficiency and conservation.
Lima sa mga gusali ng lokal na pamahalaan ang may solar panels na, pati na rin ang tatlong city-owned hospitals. Target din ngayong taon matapos ang solarization ng 25 pampublikong paaralan.
Noong nakaraang taon, ipinatupad naman ang QC Green Building Code na nagsisiguro na ang mga gusaling nakatayo at itatayo sa lungsod ay cost-efficient, climate-smart, at resilient mula sa iba-ibang kondisyon dulot ng climate change.
Target ding madagdagan ng 10 pang electric buses ang QCity Bus Libreng Sakay fleet.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa programa sina Liveable Cities Philippines Chairperson Guillermo Luz, at mga kinatawan ng iba-ibang lungsod, ahensya ng pamahalaan, mga pribadong organisasyon, at academe.










