Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa unang pulong ng Local Advisory Council ngayong taon upang talakayin ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa datos ng DSWD-NCR, higit sa 50,480 ang mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa Lungsod Quezon. Nasa 15,300 sa mga ito ang target na maka-graduate ngayong 2026.
Kasama sa pulong sina Councilor Joe Visaya, Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador, mga kawani ng DSWD-NCR, QC Department heads, at District Action Officers.








