Congratulations, Quezon City!
Napatunayan nating muli na mayroong ligtas at mapagkalingang espasyo ang sektor ng kababaihan at kabataan sa ating lungsod.
Nagkamit ang Quezon City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children ng overall score na 110% o katumbas ng rating na “Highly Functional” mula sa Regional Inter-Agency Monitoring Team (RIMT).
Bunsod ito ng isinagawang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment para sa taong 2024.
Iginawad ang mataas na marka sa Quezon City bilang pagkilala sa iba-ibang programa na nagbibigay halaga at proteksyon sa bawat kababaihan at kabataan sa lungsod.
Asahan po ninyo na patuloy na itataguyod ng Quezon City Government ang aktibong pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad para sa mga QCitizen.




