Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong Oktubre, ipinagdiriwang natin ang #LocalGovernmentMonth bilang paggunita sa pagpapatibay ng Local Government Code of 1991. ![]()
![]()
Sa bisa ng batas na ito, nabigyan ng kapangyarihan ang local government units (LGUs) tulad ng Pamahalaang Lungsod Quezon na maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.
Mahalaga ang papel ng LGUs sa ating komunidad, mula sa pangkalusugan, edukasyon, imprastraktura, kaligtasan ng publiko, hanggang sa pagtugon sa mga krisis at sakuna.
Makakaasa po kayong pagbubutihin pa ng #QuezonCityGovernment ang pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyo at taos-pusong paglilingkod sa lungsod at sa inyo, QCitizens![]()




