Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Quezon City is a certified PWD-Friendly city! ![]()
Pinarangalan ang Quezon City Government sa 31st Apolinario Mabini Awards bilang Local Government Unit Awardee (City Category).
Iginawad ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc. (PRFD) ang parangal bilang pagkilala sa mga programa ng lungsod na nagtataguyod ng kapakanan, inklusyon, at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga persons with disabilities sa QC.
Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang higit pang palakasin ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office, ang mga programa at serbisyong nagsusulong ng inklusyon at kapakanan ng persons with disabilities sa lungsod.






