Congratulations sa mga kabataang kampeon ng Local I.T. Challenge for Youth with Disability 2025 handog ng QC Persons with Disability Affairs Office at National Council on Disability Affairs.
Kinilala ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ang mga kabataang QC na nagwagi sa LITC 2025 kasabay ng kanilang pagbisita sa Quezon City Hall.
Wagi sa kompetisyon sina Ken Mendres (Top 1) ng Fernando Amorsolo Sr. High School, Jhinel Miqaella Trillanes (Top 2) ng Judge Juan Luna High School, Jaime Dismaya III (Top 3) ng Commonwealth High School, at Hailey Pontanal (Top 4) ng Judge Juan Luna High School.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng digital mapping at presentation design, pinalalakas ng LITC ang kumpiyansa at kakayahan ng mga Students with Disabilities sa makabagong mundo ng teknolohiya.
Patunay ito ng patuloy na pagsulong ng QC sa pagkakaroon ng pantay na oportunidad para sa lahat.
Saludo kami sa inyong tagumpay!




