Congratulations, QC!
Kinilala ang 22nd Quezon City Council (2022-2025) bilang Rank 1 sa 2025 Local Legislative Award at Regional Finalist sa Highly Urbanized City (HUC) Category sa ginanap na 4th Quarter Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) at Year-end Assembly ng Philippine Councilors League.
Ang parangal na ito ay patunay ng mahusay, tapat, at masigasig na paglilingkod ng ating Sanggunian sa pagbuo ng mga makabuluhang batas at programang nakatutulong sa pag-unlad ng komunidad.
Personal na tinanggap ni Vice Mayor Gian Sotto ang parangal, kasama sina Majority Floor Leader Aly Medalla, Coun. Doray Delarmente, Coun. Charm Ferrer, Coun. Wency Lagumbay, at Coun. Bernard Herrera.








