Congratulations, Quezon City Council!![]()
Ginawaran ng kauna-unahang Hall of Fame Award ang Quezon City Council mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine Councilors League (PCL) sa ginanap na Local Legislative Awards sa 2026 PCL National Congress.
Ito’y bilang pagkilala sa husay at dedikasyon ng konseho matapos makamit ang Top 1 Highly Urbanized Sangguniang Panlungsod sa Local Legislative Awards sa tatlong magkakasunod na assessment period (2015, 2018, at 2022).
Pagpupugay at pasasalamat kina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa pamumuno sa ika-20, ika-21, ika-22, at ika-23 Konseho ng Lungsod ng Quezon tungo sa makasaysayang tagumpay na ito.
Tinanggap ni Vice Mayor Gian Sotto ang parangal, kasama sina Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Minority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Atty. Bong Liban, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Joseph Juico, Coun. Charm Ferrer, Coun. Candy Medina, Coun. Bernard Herrera, Coun. Cocoy Medina, at Coun. TJ Calalay.
Makakaasa po kayo na patuloy ang Sangguniang Panlungsod sa pagbubuo at pagsusulong ng mga ordinansang tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan, tungo sa mas maginhawa at maunlad na Quezon City.








