Pinangunahan ng Quezon City Government ang paglulunsad ng Seminar-Workshop hinggil sa Participatory Budgeting sa lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Open Government Week.
Ibinahagi ni Dir. Ryan Lita, Director ng Local Government and Regional Coordination Bureau ng Department of Budget and Management (DBM), ang mga pangunahing prinsipyo ng Participatory Budgeting sa lokal na antas.
Gayundin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa proseso ng pagbuo ng budget para sa mga programang lokal.
Tinalakay din ni Mr. Kenneth Isaiah Ibasco Abante, President ng WeSolve Foundation Inc., ang mga epektibong pamamaraan ng Participatory Budgeting at kung paano ito maisasabuhay ng mga lokal na pamahalaan.
Dumalo sa seminar-workshop ang mga kawani mula sa QC Government, pati na rin ang mga kinatawan mula sa iba-ibang LGU at Civil Society Organizations sa Metro Manila.
Layunin ng session ng Open Government Partnership (OGP) na pagtibayin ang iisang adhikain ng OGP sa pagsusulong ng transparency, citizen participation, at accountability sa proseso at pagba-budget sa bawat LGU.




