Raise your flags and be proud!
Muling ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang buong suporta ng pamahalaang lungsod sa pagsulong ng gender equality at wakasan ang diskriminasyon sa ginanap na Lov3Laban sa Diliman Pride Festival 2025.
Magandang balita naman ang hatid ng alkalde dahil pasado na sa Sangguniang Panlungsod ang mas komprehensibo at mas pinalakas na Revised QC Gender Fair Ordinance.
Ang pag-amyenda sa ordinansa ay sinuportahan nina District 6 Councilor Doc Ellie Juan at District 1 Councilor Joseph Juico.
Pasado na rin sa city council ang QC Gender-Inclusive Health Ordinance na layong mabigyan ng gender-affirming healthcare services ang lahat ng QCitizens.
Ang Gender Inclusive Health Ordinance ay isinulong ni District 1 Councilor Bernard Herrera.
Siniguro ni Mayor Joy na ang QC ay isang lungsod na bukas, ligtas, at may malasakit– kung saan ang bawat isa ay may boses, may puwang, at may dignidad.
Patuloy nating patingkarin ang bahaghari! Sama-sama tayong lalaban para sa isang ligtas, makatarungan, at inklusibong Quezon City.




