Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naging makabuluhan ang Love in Action: Adoption and Foster Care Celebration 2026 sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD), kasama ang Regional Alternative Child Care Office – National Capital Region (RACCO-NCR) at Department of Social Welfare and Development.
Binigyang-diin ni Vice Mayor Gian Sotto ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga batang walang pribilehiyo na magkaroon ng kumpletong pamilya.
Layon ng programang ito na magbigay ng kaalaman sa mga barangay at school stakeholders tungkol sa legal na proseso, mga pamamaraan, at emosyonal na aspeto ng pag-aampon.
Dumalo rin sina Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, SSDD OIC Ma. Lorelei Salvador, at RACCO-NCR Officer-in-Charge Danilo Gatmaitan.










