Maki-beki, ‘wag matakot! Dahil sa QC, kasama niyo kami sa inyong laban para sa equality at inclusivity!
Ipinaramdam ng Quezon City Government, national government agencies, ambassadors at international delegates ang pagmamahal at suporta sa LGBTQIA+ community sa #LoveLaban2Everyone Pride PH Festival 2024 sa Quezon City Memorial Circle.
Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang solidarity messages ang mga kinatawan mula sa United Kingdom, Australia, United States of America, Canada, Columbia, Czech Republic, at ang representative co-chairs ng Equal Rights Coalition ng Germany at United Mexican States, Kingdom of Netherlands, Kingdom of Belgium, Ireland, at French Republic.
Nagbigay din ng suporta ang mga kinatawan ng Department of Health, Department of Justice, at Department of Tourism.
Binigyang-diin nila ang importansya ng mga organisasyon at pamahalaan sa pagkamit ng mga karapatan ng mga LGBTQIA+, mula sa access sa edukasyon, pagbigay ng mataas na kalidad na medical health services, at sapat na kaalaman tungkol sa sexual at reproductive health.
Tuloy-tuloy pa rin ang programa dito sa QMC! Makiisa at makisaya sa Laban 2 Everyone Pride Festival 2024!