LIBRENG TUBIG!
Wag magpapauhaw ngayon sa QC Pride Festival!
Matatagpuan sa paligid ng Quezon Memorial Circle ang mga drinking water refilling and handwashing stations ng Maynilad at Manila Water para sa mga dadalo ngayon sa #LoveLaban2Everyone Pride Celebration.
Bukod sa libreng tubig, bukas na rin ang Pride Expo para sa iba-ibang pagkain at inumin.
Ipinaalala rin ni Mayor Joy Belmonte ang pagdadala ng sariling tumblers upang maiwasan ang paggamit ng mga plastic bottles.