Martsa para sa kalayaan, pag-ibig, at pagkakapantay-pantay!
Libo-libo ang nag-martsa sa LoveLaban2Everyone Pride March bilang bahagi ng Quezon City Pride Festival 2024.
Tampok sa Pride March ang mga makukulay at bonggang costume ng mga nakilahok mula sa LGBTQIA+ community, allies, NGOs, at volunteers.
Nanguna sa martsa sina Mayor Joy Belmonte kasama sina Department of Justice Usec. Margarita Gutierrez, Coun. Doc Ellie Juan, mga opisyal ng pamahalaang lungsod, iba’t ibang kinatawan ng mga embassy at Pride PH.
Ang taunang pride march ay ginaganap bilang panawagan sa pagsulong ng gender equality, mawakasan ang diskriminasyon, at kalayaang ibigin ang sino man.