LOVELAB4N SA ARANETA! ![]()
![]()
Hindi lang sa UP Diliman at Maginhawa umapaw ang saya ng LOVELAB4N Pride Festival, umabot din ang makulay na selebrasyon hanggang Araneta City, Cubao.
Pinasaya ang entablado ng performances nina Arizona Brandy, Brei Binuya, Julia Pascual, P-pop boy group NEO, at iba pang artists na naghatid ng vocal at dance supremacy bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride sa Gateway 1.
Mayroon ding Safe Space kung saan maaaring mag-iwan ng mensahe ng pagmamahal, pag-asa, at suporta, pati Photo Booth na bukas para sa lahat.
Tampok din ang Free to Be Hue POP QC Bazaar sa Farmers Plaza na nagbibigay-pugay sa mga queer-owned businesses ng Quezon City.
Mas makulay ang mundo kapag malaya ang bawat isa na mahalin at maging tapat sa kanilang sarili.










