BESHIES, GORA NA SA UP DILIMAN! ![]()
Nagpaabot ng kanilang suporta at pakikiisa sa LGBTQIA+ community ang iba-ibang non-government organizations sa LoveLab4n Pride PH Festival 2026 sa Melchor Hall, UP Diliman ngayong araw.
Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ang PAP LGBT Psychology Special Interest Group, Tinig ng Silangan Inc., at Family Planning Organization of the Philippines, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, inklusibidad, at paggalang sa karapatan ng queer community.
Mas naging makulay pa ang selebrasyon sa mga pagtatanghal ng iba-ibang performers at drag queens na nagbigay-saya sa mga dumalo.
Kaya tara na, beshies! Makisaya at makiisa sa LoveLab4n Pride PH Festival 2026 dahil marami pang activities at performances ang dapat abangan.










