Happy pride mula sa Kabataan, Kalusugan, at Kabaklaan Stage dito sa Sunken Garden! ![]()
Nakikiisa sa Pride Month celebration ang iba-ibang panauhin, kasama ang Department of Social Welfare and Development at and National Youth Commission, sa pamamagitan ng solidarity messages na nagbigay-diin sa kahalagahan ng inclusivity, respeto, at pagkakapantay-pantay.
Nagpadala ng video message of support si San Juan City Mayor Francis Zamora. Nakiisa din ang Miss Universe Philippines 2026 na si Beatriz Millan-Windorski sa isang solidarity message.
Nakibahagi din ang ibang organisasyon sa pagdiriwang, habang pinasigla ang programa ng mga performances mula kina, Jace Roque, Pixie Labrador, at rising P-POP group Wrive.
Tuloy-tuloy pa ang selebrasyon dito sa UP Diliman, kaya tara na at maki-join sa Pride festivities! Kitakits!










