Aabot sa 1,000 residente mula sa iba-ibang distrito ang naging benepisyaryo ng cataract at cyst eye operation na isinagawa sa Loyola Heights Covered Court sa pangunguna ng Operation Klaro.

Dumalaw si Mayor Joy Belmonte sa mga pasyente upang kamustahin ang kanilang pakiramdam at karanasan.

Kahapon ang huling araw ng eye check-up at operation na tumagal ng isang linggo.

Maraming salamat sa mga sumusunod na doktor, dahil sa inyo ay naging posible ang medical mission na ito: Dr. Federico Malubay, Dr. Reynaldo Capuz, Dr. Paulo Camacho, Dr. Anthony Lim, at Dr. Wilfredo Amoranto Jr..

Ito ay sa pakikipagtulungan kasama ang Quezon City Health Department, Office of the City Mayor, at District Action Centers.

+18