Nagsagawa ng ‘Lunsod Lunsad: Creative Entrepreneurship Training Program (CETP)’ ang Department of Trade and Industry – National Capital Region kasama ang Quezon City Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).
Layon ng CETP na mapalawak ang kaalaman ng QCitizens na kabilang sa industriya ng film, design, publishing and printed Media, at performing arts sa lungsod.
Ang mga nakilahok ay nagkaroon ng libreng training mula December 12-14, 2023.
Maaaring i-follow ang facebook page ng SBCDPO (https://www.facebook.com/QCSBCDPO) at abangan ang mga susunod na aktibidad ng Departamento.