Ipagdiwang ang pananampalataya at pangangalaga sa kalikasan ngayong Semana Santa!
Sa Visita Iglesia Route 4, maglakad o magbisikleta sa luntiang landas ng Quezon City habang binibisita ang pitong simbahan. Magdasal, magnilay, at gawin ang makabuluhang paglalakbay ngayong banal na panahon.
Mga mungkahing simbahang maaari ninyong bisitahin:
Our Lady of Consolation Parish
San Lorenzo Ruiz Parish
San Isidro Labrador Parish – Philand Drive
Our Lady of Mt. Carmel Parish – Project 6
Santuario de San Vicente de Paul: Shrine of the Poor
Saint Joseph Parish
Our Father Parish
Magsuot ng komportableng sapatos, magdala ng tubig, at ihanda ang puso sa pagninilay.
Abangan ang mga susunod pang mungkahing ruta at mga grupo ng simbahan na magsisilbing gabay sa inyong Visita Iglesia 2025.
