May emergency o insidente sa inyong lugar? I-report na ‘yan sa LyfSaver app!
Ngayong Miyerkules, ipinakilala na sa mga QCitizen ang LyfSaver app—isang community-powered at AI-assisted platform—para sa mas mabilis na pag-report, pag-verify, at pagtugon sa mga insidente at panganib sa panahon ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng pag log-in sa https://app.lyfsaver.ph, maire-report agad ang anumang emergency o pangyayari sa inyong lugar, gaya ng baha, banggaan, sunog, lindol, at disaster response.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang opisyal na pagpapakilala sa application, kasama sina Yes Pinoy Foundation Founder Dingdong Dantes, FYT Media Co-founder Atom Araullo, Lyf Solutions Co-founder Voltaire Tupaz, at mga department head ng lungsod.
Bilang bahagi ng LyfSaver Roadshow: QC Laging Ready, sumailalim din sa hands-on learning ang mga barangay official, volunteers, responders, at city employees upang palakasin pa ang disaster response










