Magpapatupad ng work-from-home o alternative work arrangement ang Quezon City government simula Holy Monday (March 29) hanggang Easter Sunday (April 4), habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang mga tanggapan at opisina na nagbibigay ng healthcare at emergency frontline services, border control, at iba pang essential services ay hindi sakop ng memorandum na ito.